Sabi ng puso ko, ok Lang
Sabi ng utak ko, ok lang
Bulong ng kaluluwa ko, may kulang
Ba't ganun?
Marami na akong ipinagpasa-diyos
Di lahat ng hiling ay ibibigay nya sa oras na sinabi ko
Darating at darating ito sa kanyang takdang oras o panahon
Sino ba ako para tanungin sya ng
Ba't ganun?
Nitong mga nakaraang araw
Mga nakakausap ko'y may kanya- kanyang problemang iniisip
Kung sabagay, lahat naman tayo'y may mga problema
Di normal ang taong walang problema
Kahit nga pusa namin may problema
Ang galing umakyat ng puno at manatili sa bubung ng kabilang bahay
Pero di naman makababa - maulanan man sya o maarawan, wala syang pakialam
Takot syang tumalon pababa. Takot din gumapang sa sangang kanyang inakyatan
Ganyan din tayo; nasa harap na natin ang solusyon pero di natin ginagawa
Dahil may takot...nakukulangan
Kapag isip lang ang pagaganahin, kulang
Kapag puso lang, mas may sakit
Kapag puso't isip naman, kulang pa rin
Dapat may lalim....may bulong ng damdamin
No comments:
Post a Comment