Saturday, November 26, 2005

Hay naku...

nagpapalipas ng oras
walang nangyayari
dapat bang may mangyari?
wala!
nakakabato lang na isipin
na ang paghihintay ay wala ring patutunguhan
walang kahahantungan
'di rin naman nakakapagpahinga, 'di ba?
bagkos, may pagod pa rin nadarama
sa katawan, sa puso, sa utak

'di na nga lang bali
'di na lang iisipin na iniintay kita
'di na lang iindahin ang nararamdaman
ng pusong napapagod na
nababagot na...
sana naman kahit minsa'y
maalala mo rin
kung maalala mo man ako'y

sana
malaman ko
kung 'di man...
ipaalam mo rin sa akin na
'di mo na nga ako naaala-ala
na 'di na kita dapat intayin pa
:(

1 comment:

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.