Ikaw ay nangako
na ako ay paliligayahin
Ikaw ay nangako
na ako ay aarugain
Nang aking tanggapin
ang iyong sinabi
Akala ko, mayroon rosas
Lagi sa aking tabi
Ngunit ano ang nangyari?
Nang tayo ay naging-isa
Sama ng loob at problema
Ang iyong ipinadama
Puro na lamang tinik
Ang aking nahawakan
Ni kaunting katahimikan
At Ligaya ay walang nakamtan
Saan napunta
Ang iyong mga pangako?
Bakit puro tinik ang natira
Sa mga rosas mo?
Nasaan ang rosas
Na aking inaasam-asam?
Na sa piling mo
Sana ay nakamtan
- written Sept. 13, 1985
----
Look back! read the date again;
Twenty years had passed
Hmmm, funny how we sometimes don't like to turn back...look back
Refresh the memories?
As i see through my life, it indeed just goes round and round... in circles
Just like a roller coaster ride
We just have to learn how to get up and move on when finally
The ride ends...
No comments:
Post a Comment